chant (tsant) 1: isang inuulit at maindayog na práse, karaniwang isinisigaw o inaawit nang sabay-sabay ng isang pangkat o madlâ 2: paraan ng pag-awit sa salmo o kantiko 3: nag-iisang nota na paulit-ulit na kinakanta nang iisa lámang ang himig
charade (sya•réyd) 1: laro ng pagpapahula ng mga salita o parirala sa pamamagitan ng aksiyong pantomima 2: lantarang pagkukunwari o pandaraya
charcoal (tsár•kowl) 1: úling 2: a lapis na uling at ginagamit na pangguhit ng larawan b larawan na gawa dito
charge account (tsárds a•káwnt) : account na nagpapahintulot sa isang mámimilí na makapamilí o makakuha ng serbisyo nang hindi muna magbabayad
chariot (tsár•yot) 1: sasakyang may dalawang gulóng na hinihila ng kabayo at ginagamit noong unang panahon sa labanán at karera 2: sasakyang may apat na gulóng at mayroong upúan sa likod