cloud rat (kláwd rat) : ilahas na hayop (Crateromys heare-yi) na kahawig ng squirrel, may habàng 30.48 sm ang katawan, at 60.96 sm ang buntot
cloverleaf (kló•ber•líf) : sistema ng mga lansangan na tíla dahon ng clover at nagpapahintulot ng madali at mabilis na pagpasok at paglabas sa mga haywey
club (klab) 1: uri ng samahán 2: bahay o silid na nakalaan para sa pagpupulong ng samahán 3: bagay na ginagamit panghambalos gaya ng batuta
Clytemnestra (klay•tem•nés•tra) : kapatid ni Helen na nagpapatáy sa kaniyang asawang si Agamemnon matapos ang digmaang Troya
coach (kowts) 1: malaking karwahe na may apat na gulong at mataas na upuan ng kutsero sa harapan 2: tao na tagaturo o taga-sanay sa mga mag-aaral, manlalaro, pangkat sa drama, at mga katulad 3: kotse2 4: bagón1