cobalt (kó•balt) : metalikong element na may silicate na nagdudulot ng bughaw na kulay sa mga seramika (atomic number 27, symbol Co)
cobbler (káb•ler) 1: sapatero 2: malamig na inúming gawa sa alak, prutas, asukal, at mga katulad 3: retaso
coca (kó•ka) 1: palumpong (Erythroxylum coca) na matatagpuan sa Hilagang Amerika at Kanlurang Indies at may dahong nakukunan ng cocaine at iba pang alkaloyd 2: tuyông dahon nito
cocaine (ko•kéyn) : kristalinang alkaloyd (C17H21NO4) na gáling sa dahon ng Coca, ginagamit na anestetiko at may epektong narkotiko