coelom (sí•lom) : cavity sa katawan ng matataas na meta-zoan na matatagpuan sa pagitan ng kanal ng bituka at body wall
Cofradia de San Jose (ko•frá•dya de san hó•se) : kapatirang panrelihiyon na itinatag ni Apolinario de la Cruz na inusig ng mga fraile kayâ nag-alsa
cogito (kó•hi•tó) : simulaing pilosopiko na nagsasabing pinatu-tunayan ng kakayahang mag-isip ng isang tao ang kaniyang pag-iral
cognate (kóg•neyt) 1: may kaugnayan dahil iisa o magkatulad ang pinagmulan; mula sa iisang angkan 2: magkatulad sa kalikasan at kalidad
cognoscenti (kó•nyo•sén•ti) : tao na bihasa at may pihikang panlasa upang husgahan ang isang likhang sining, alak, o pagkain
cohabit (ko•háb•it) 1: mag-sáma bílang mag-asawa, karaniwang walang bisàng legal o panrelihiyong seremonya 2: tumira sa isang bubong o pook
coincide (ko•in•sáyd) 1: mag-okupa ng magkatulad na espasyo, point, oras, at posisyon 2: isabáy; itaón 3: ihawig, sa karakter at kalikasan