cockpit (kák•pit) 1: sabungan 2: pook na pinaglalabánan 3: silid sa unahán ng eroplano para sa piloto at mga kasáma
cockscomb (káks•kowm) 1: pálong1 2: sombrero na tíla palong, dáting isinusuot ng mga artista 3: palong-palungan
cocktail (kák•teyl) 1: alinman sa iba’t ibang halo ng alak, karaniwang hinahaluan ng vermouth, katas ng prutas at nilalagyan ng yelo 2: pagkaing pampagana 3: uri ng semi-pormal na damit
codicil (kó•di•síl) 1: dagdag na tadhana sa huling testamento 2: anumang dagdag o suplemento, gaya ng apendiks
Coelenterata (si•lín•ti•rá•ta) : phylum ng mga hayop na invertebrate na may nag-iisang organ para sa pagkain, pagdumi at iba pang gawain at may galamay sa gawing bibig, hal hydra, dikyà, anemóna, at korales