cola (kó•la) 1: punong-kahoy (genus Cola) na makikíta lámang sa Kanlurang Afrika at may caffeine ang butó 2: karbonadong inúmin na may lasa ng butó ng cola
cold war (kold war) : hidwaan ng mga bansa, walang aktuwal na labanán, may pananakot, marahas na propaganda, at subersibong aktibidad pampolitika
cold wave (kold weyv) 1: panahon ng biglaang paglamig na higit sa karaniwan 2: paraan ng pagkukulot ng buhok na ginaga-mitan ng gamot o kemikal
coleslaw (kóls•lo) : ensalada na gawa sa ginayat o hiniwang repolyo at kintsay, at hinaluan ng asin, sibuyas, sukà, at gatas
collage (ko•láds) : maka-sining na komposisyon na pinagdi-dikit ang mga papel, tela, at iba pang materyales
collagen (kól•a•dyén) : pangunahing protinang pang-estruktura na makikíta sa pang-ugnay na tissue at butó at nagdu-dulot ng helatina kapag pinakuluan