di•si•pas•yón 1: uri ng pamumuhay na marangya at mapagmalabis 2: maak-sayang paggugol ng salapi 3: pagkalat at hindi pagkakaugnay 4: pagkawala, pag-kapawi hal disipasyon ng pagod
di•sip•lí•na 1: a kontrol o kaayusan na ipinatutupad b sistema ng mga alituntunin na ginagamit upang mapanatili ang kontrol na ito c kilos at galaw na ipinakikíta ng pangkat na napailalim sa nasabing alituntunin 2: mental, moral, at pisikal na pagsasa-nay 3: sangay ng instruksiyon o pag-aaral 4: parúsa
di•sí•pu•ló 1: alagad o mag-aaral ng isang pinunò, guro, pilosopiya, at iba pa 2: unang naniwala kay Kristo; ang labindalawang apostoles
disjunction (dis•dyángk•syon) 1: proseso ng pagkakahiwalay 2: sa lohika, ang ugnayan ng dalawang alternatibo na magkataliwas
disk 1: a bagay na manipis, sapád, at bilóg b rabaw na bilúgan at sapád o anyong sapád na rabaw c marka ng hugis na ito d Bot siksik na kumpol ng hugis túbong bulaklak sa gitna ng composite na bulaklak 2: hanay ng kartilago sa pagitan ng vertebrate 3: ponógrapó 4: a Com aparatong imbakan na may disk na napaiikot at naba-balutan ng magnet b disk na makinis at walang magnet na may kakayahang mag-imbak ng maraming datos at nababása ng laser 5: aparatong may panturò o umiikot na disk na nagsasabi ng oras ng pagdatíng o pag-alis, inilalagay sa mga nakaparadang sasakyan
dís•ki•tá : magbunton ng galit sa isang tao dahil sa kasalanan ng iba, mapagbuntunan ng galit dahil sa kaalaman ng iba