- dis•pen•sár•yopng | [ Esp dispensario ]1:pook na makukuhanan o mabibilhan ng gamot at iba pa2:pampubliko o pangka-wanggawâng institusyon na nagbibigay ng tulong medikal at gamot
- dis•pen•sé•ropng | [ Esp ]1:tao o bagay na nagbibigay ng anuman2:mákináng awtomatiko na naglalabas ng tiyak na halaga o bagay
- dis•pép•si•yápng | Med | [ Esp dispepsia ]:hindi pagkatunaw ng kinain
- displacement (dis•pléys•ment)png | [ Ing ]1:palit3 o pagpalit2:volume ng likidong naalis sa kinalalagayan nitó dahil sa solidong nakalubog o nakalutang dito3:a Sik ang paghahalili ng isang idea o udyok para sa isa b ang di-malay na paglilipat ng matindi at hindi kanais-nais na damdamin sa isang bagay túngo sa ibang bagay
- display (dis•pléy)png | [ Ing ]:anumang bagay na inilalantad o ipinalalabas sa layuning ipakíta upang mabili o maging modelo
- disposable (dis•pó•za•ból)png | [ Ing ]:anumang sadyang itinatápon mata-pos gamitin
- disposal (dis•pó•zal)png1:pagtatápon ng isang bagay2:pagkakaayos ng mga bagay3:kontrol o pamama-hala ng tao, negosyo, at iba pa4:pagtatápon ng anumang basura
- dis•po•sis•yónpng | [ Esp disposición ]1:a likás na tendensiya o pagkíling b ugali o saloobin na ipinamamalas ng isang tao2:a pagka-kaayos ng mga bagay b ugnayan ng mga bahagi batay sa kinalalagyan3:pagpuwesto ng mga tropang handang sumalakay o magtanggol4:a pagkakaloob ng isang bagay sa pamamagitan ng kasulatan o testamento b kontról15:kilos o paraan ng pamamahagi
- dissect (day•sék)pnd | [ Ing ]1:hiwain nang pira-piraso2:hiwain upang su-riin ang bahagi at estruktura ng isang tao, hayop, o haláman3:
- disseminate (di•sé•mi•néyt)pnd | [ Ing ]:magpakalat o magpalaganap, hal ng isang idea