di•sen•te•rí•ya : sakít na may pamamagâ at pagsusugat ng ibabâng bahagi ng bituka, at may kasámang pagtatae
di•sén•yo 1: larawang guhit na ginagamit na modelo o tularan 2: plano o balangkas ng isang bahay o gusali
di•ser•tas•yón : pagtalakay nang mahabà at pormal sa anumang paksa, karaniwang ini-handa upang makakuha ng diploma sa antas doktorado
dish 1: a sisidlang mababaw, karaniwang sapád ang ilalim, at ginagamit sa pagluluto at paghahain b pagkaing inihain sa lalagyang ito c uri ng putahe 2: kasangkapan sa pagkain 3: malanday na sisidlan
dishwasher (dish•wá•syer) 1: tao o mákiná na tagapaghugas ng mga pinggan, kutsara, kaldero, at iba pang kagamitang pangkusina 2: labaplátos