dirty old man (dér•ti old man) : matandang laláki na nagnana-sà sa mga babaeng malakí ang pagkabatà sa kaniya
disaccharide (day•sá•ka•ráyd) : sugar na binubuo ng dalawang magkakabit na mono-saccharide ang molecule
disadvantaged (dís•ad•ván•tidzd) : hindi mabuting katayuan lalo na kaugnay ng mga oportunidad na pampananalapi o panlipunan
discharge (dis•tsárds) 1: patalsikin sa tungkulin o palayain sa pagkakabilanggo 2: alisan ng pananagutan sa pagkakautang 3: mag-paputok ng baril 4: magbuhos; magtápon 5: dumaloy 6: pawalan ng bisà o kanselahin ayon sa utos ng hukuman 7: pakawalan ang kargang elektrisidad mula sa isang bagay
disclaimer (dis•kléy•mer) 1: pagtalikod sa tungkulin o responsabilidad 2: pagtatatwa o pagtang-ging managot sa anumang sinabi
disco (dís•ko) 1: sayáwan 2: tugtuging nagtatag-lay ng mabilis na kompás at popular na musikang pansayaw