distraction (dis•trák•syon) 1: anumang nagdudulot ng pagkagam-bala 2: pagkalito o pagiging litó 3: libáng1 o paglilibang
distress (dis•trés) 1: hiláhil2 2: kakulangan sa salapi at ginhawa sa búhay 3: pagkumpiska ng ari-arian pati na ang mga personal na gamit bílang kabayaran sa utang
distributor (dis•trí•byu•tór) 1: tao o bagay na namamahagi 2: ahente na tagatustos ng mga kalakal 3: sa mákiná, ang tagapamahagi ng daloy ng koryente túngo sa spark plug
dis•trí•to : pagkakahati o dibisyon ng mga teritoryo, bayan, o lungsod na nahati sa gayon dahil sa layuning pampangasiwaan, pangha-lalan, at iba pa
di•tà 1: likido na malapot na tulad ng laway, malansa, at mula sa isda 2: lasong nakamamatay at ipinapahid sa dulo ng palaso o anumang patalim
dí•ta 1: kamandág1 2: isang punongkahoy na kahalintulad ng singkona, na ang kahoy ay pang-gamot sa malarya