di•ti•rám•bo 1: magulo at sábáyang imno ng sinaunang Gresya patungkol kay Dionisio 2: tula, panayam, at iba pang katulad na makabagbag damdamin
di•tí•ran : mabalahibong baging (Deeringia amaranthoides) humahabà nang 5-6 m, lungting-putî ang bulaklak, at bilóg at pulá ang bunga
di•tsé 1: pamitagang tawag ng mga nakababatà sa pangalawang pinakamatandang kapatid na babae 2: tawag sa nakatatandang babaeng kapatid ng hipag
dí•tso 1: linya ng aktor sa komedya 2: sining ng pagtatanggol sa sarili nang hindi gumagamit ng armas
di-tu•wí•rang lá•yon : salita o pangkat ng mga salita na kumakatawan sa tao o bagay na may pagtukoy sa kilos na isinasagawâ ng pandiwa
diurnal (da•yér•nal) 1: hinggil sa araw; hindi nokturnal 2: sa araw-araw 3: buong araw 4: a ak-tibo, masigla kung araw, tumutukoy sa mga hayop 5 b Bot bumubukad lámang kung araw, tumutukoy sa mga haláman
dí•van, di•ván 1: sopáng mahabà, mababà, at walang sandálan 2: kámang walang dasigan at sandigan 3: isang batasan, sanggunian, o hukuman sa gitnang silangan, lalo na sa loob ng imperyong Ottoman 4: tindahan ng sigarilyo; silid para sa paninigarilyo