douche (dush) 1: tilarok o puslit ng likido na ipinanlilinis o ipinanggagamot sa bahagi ng katawan 2: gamit na nagpapalabas ng tilarok o puslit
dove (dáv) 1: kalapáti1 2: tao na maamo at inosente 3: tagapagtaguyod ng kapayapaan 4: simbolo ng Espiritu Santo 5: kulay abo na mapusyaw
dowel (dá•wal) : pakòng metal, tabla, o plastik na walang ulo at ginagamit na pandugtong ng mga bahagi ng estruktura
down (dáwn) 1: balahibo ng inakay 2: manipis at pinong bala-hibo sa mukha 3: maikli at manipis na balahibo ng dahon, prutas, butó at iba pa 4: substance na malambot at mabalahibo
download (dawn•lówd) : ilipat ang datos o impormasyon mula sa isang pinag-imbakang sistema patúngo sa ibang sistema
Down syndrome (dawn sín•drowm) : suliraning henetiko na nagaganap kapag nadagdagan ng isa pa ang chromosome 21 at malimit na nagbubunga ng malubhang retar-dasyon ng isip, kakulangan ng koor-dinasyon ng katawan, pagiging pango ng ilong, at pagiging laylay ng talukap ng mata