du•wág 1: tao na kulang sa tapang, tibay, o tigas ng loob 2: pugánte 3: makisig ang bíhis at batbát ng alahas
du•wál 1: pakiramdam na tíla ma-susuká ngunit pawang hangin lámang ang lumalabas 2: ikalawang kambiyo na ginagamit kapag matarik ang inaakyat ng trak at kahawig na sasakyan
du•wa•lís•mo 1: pagiging dalawahan o dalawa 2: teorya na sa anumang sakop ng realidad, may dalawang magkahiwalay na prinsipyo 3: a teorya na patas ang lakas ng mabuti at masamâ sa mundo b teorya na may personalidad si Kristo na tulad ng sa tao at sa diyos