- durum (dyú•rum)png | Bot | [ Ing ]:uri ng matigas na trigo na tumutubò sa mainit na pook, may mabalahibong butil, at nakukunan ng arinang ginagamit sa paggawâ ng pasta
- du•ru•ngá•wanpng | Ark | [ ST du+dúngaw +an ]:bintanà1
- du•ru•wánpnd | [ Kap ]:makipagkasundo ukol sa isang bagay
- dur•yánpng | Bot | [ Mrw Tag ]:malakíng punongkahoy (Durio zibethinus) na tumataas nang 20 m, putî ang bu-laklak, biluhaba ang bunga na balót ng mga tinik, at maamoy
- dú•sapng1:[Bil Kap Tag] pagdanas ng o pagpapailalim sa isang masamâ o hindi kanais-nais, hal dusa sanhi ng kirot o pagkabilang-go2:[Bil Kap Tag] pagkakaroon ng isang karamdaman3:[Bil Kap Tag] paglubha o pagbabà ng antas ng kalidad4:[Bil Kap Tag] pagtanggap sa isang hindi kanais-nais na kalagayan5:[Kal] multa o ang hinihinging bayad sa nagawâng pagkakasála o pinsala
- du•sákpnd | [ Hil ]:sugátan sa pamamagi-tan ng pagsaksak ng matalas at matulis na patalim
- dú•saypnd | [ Bik ]1:mag-alay; maghandog2:makiramay; makidalamhati
- dus•dóspng1:galis ng mga hayop na may pinong balahibo2:[Ilk] lambat na bilugán ang gilid, ginagamit sa pangingisda sa mababaw na ilog3:[ST] langíb1
- du•sópng | Bot:yerba (Kaompferia galanga) na makinis, walang tangkay, may ugat na ginagamit bílang pampalasa at sangkap sa tinà