du•wé•lo 1: labanán sa eskrima o baril ng dalawang tao upang ipagtanggol ang dangal 2: anumang paligsahan o labanán ng dalawang tao o pangkat; sukatán ng lakas
du•wé•to 1: pag-tatanghal na may dalawang boses, dalawang tagatugtog, at iba pa 2: komposisyon na may dalawang tagapagtanghal
dú•yan 1: higaang isinasabit, karaniwang gawâ sa tinilad na kawayan o yantok, nilálang lubid, at tinatalìan sa magkabilâng dulo upang maiugoy 2: upuang nakabitin sa pamamagitan ng lubid o kadena na iniuugoy
dú•yo 1: pinakamahalagang panig ng simbahan o bulwagan, ka-raniwang nása dulo 2: kabilâng dulo 3: tanawin o tábing na panlikod ng isang tanghalan
du•yóg 1: may pinsala o bulág nang bahagya ang isang matá 2: baluktót 3: hindi perpektong bilog, o hindi pantay ang pagkaka-putol
du•yóng : lapidang yarì sa kinulayang kahoy, binilog ang dakong itaas na gilid, at inukitan ng bulaklaking disenyo
dú•yong 1: dúgong 2: sasakyang pinagpa-patungan ng ililibing 3: butó sa balakang 4: matambok na bahagi sa itaas ng ari ng babae