da•la•sa•à : paghiwa-layin ang isang kabuuan túngo sa maliliit na piraso, tulad sa pagpilas o paghimay
dá•lá•san 1: proseso ng pag-uulit sa maikling panahon 2: rate ng ulit ng isang vibration, siklo, at iba pa; ang bílang ng pag-uulit sa isang tiyak na panahon 3: sa estadistika, ratio ng bílang ng aktuwal hanggang posibleng paglitaw ng isang pangyayari
dá•lá•sang rád•yo 1: dálásan ng mga along inihahatid sa isang brodkast o mensahe sa radyo 2: dálásan na may layong mula 15,000 –1011 siklo kada segundo
da•lá•tan 1: mataas na lupang binubungkal o nililinang upang gawing halámanan 2: lupa, kasalungat ng tubigán
da•la•wá 1: pamílang na katumbas ng isa at isa 2: salitâng bílang para sa 2 o II 3: pagkakasáma ng dalawa; isang pares
da•la•wam•pû 1: pamílang na katumbas ng dalawang sampu 2: salitâng bílang para sa 20 o XX 3: katipunan ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa