dá•ling 1: maninipis na tilad ng uway o yantok na ginagamit na pantalì sa mga kawayang sahig, salakab, kural, at iba pa 2: paraan ng pagtatalì ng mga tinilad na kawayan, gaya ng bubong, sahig, at iba pa 3: yantok na pilipit na umiipit sa patpat ng banatan
dá•ling-sa•híg : pagdadáling na ginagamitan ng halos gakalingkingang kayas ng kawayang may katamtamang habà alinsunod sa luwang ng sasahigan
da•ling•síl 1: ligáw1 2: malî 3: naghiwalay dahil sa maling pagkakalagay 4: tabingi at nakaangat ang isang bahagi