da•lá•wit 1: bakal o anumang ginagamit na panghalikwat 2: pang-ipit o pandiin upang mapamalaging matatag ang tapal sa bútas ng atip 3: dáwit1
da•lay•dáy 1: sanga ng daloy; palihis na agos 2: daloy o takbo ng elektrisidad 3: pagtakbo sa permanenteng ruta 4: maayos na hanay o halayhay ng mga bagay sa paraang hindi magkakapatong-patong 5: pagdulas, paglakad o pagtakbo nang maagap
dá•lay•dá•yan 1: salá-saláng balangkas na bilaran ng lambat, isda, at iba pa 2: hagdang kawayan na ginagamit sa pag-akyat ng mga pintor, anlowage, at iba pa 3: balangkas na pinagpapahanginan ng binayong palay upang maihiwalay ang tulya-pis, ipa, darak, at iba pa 4: alulód 5: salá o anumang maaaring paakyatan ng halámang gumagapang
da•lay•rá•yan 1: dalaráyan 2: paagusan ng tubig papunta sa tapayan 3: tuntungan sa pag-akyat ng isang bagay 4: embudo na paraanan ng binistay na bigas
dal•dák 1: biglang pagkalog ng sasakyan dahil sa sirâ o bako-bakong kalsada 2: dikdík o pagdikdik 3: dakdák5
dal•dál 1: magulóng usapan o hindi maintindihang pag-sasalita 2: tabíl 3: pagbangga ng buong katawan o kung nagsasalita, magsalita na gamit ang buong katawan 4: pagtutulak sa isang tao hanggang masandal ito sa pader