da•lì 1: súkat ng habà mulang dulo hanggang unang buko ng hinlalakí ng kamay 2: daliri 3: panghihiram
da•lî 1: bilis o gaan ng paggawâ, pagtapos, o pagganap sa anuman 2: kawalan ng hirap sa pagsasagawâ 3: saglít 4: palay na mabilis tumubò
da•lig•ma•tá 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, isang uri ng mang-kukulam o hayop na panggabi na may malalakí at nagniningning na mga matá 2: diwata na punô ng malalakíng matá
da•lík 1: pahilis na hiwa, karaniwang ginagawâ sa patatas o kamote 2: bagay na maputî at bilóg na kinalalagyan ng itlog ng gagamba