dá•los 1: dulós1 2: kabilisan sa paggawâ o pagkilos na kulang sa pag-iingat; pabigla-bigla 3: pagbilis ng paglalakad paroo’t parito
dá•loy 1: bukál1 2: ágos 3: patúloy na datíng o labas ng maraming bagay hal ng diwa, isip, kalakal, at iba pa 4: balaraw ng mga mandirigmang Kumintang
da•lúb•sí•ning 1: dalubhasa sa larangan ng sining 2: tao na may kakayahang maggawad ng mga pamumuna o hatol sa arte o sining; kritiko sa sining
da•lúb•wi•kà 1: tao na dalubhasa sa iba’t ibang wika 2: tao na may sapat na kaalaman sa pinag-mulan, uri, katangian, at pag-unlad ng iba’t ibang wika