dal•lót 1: uri ng awit at sayaw ng matatanda 2: sagutang awit ng dalawang tao na walang pangunang paghahanda sa lirika
dalmatian (dal•méy•syan) : lahi ng malalakíng aso (Canis familiaris) na may maiikling putîng balahibo at batík-batík
dal•má•ti•ká 1: misang ginagampanan ng tatlong pari na nagbabasá ng Ebanghelyo hábang nakatayô sa altar 2: pang-ibabaw na kasuotang may malapad na manggas, bukás sa magkabilâng gilid, at ginagamit ng pari, obispo, at diyakono
da•ló 1: pagpunta sa anumang okasyon 2: pagtulong sa nangangailangan 3: pakikiramay sa isang nagdurusa
dá•lo-dá•lo : langgam na may pakpak, namamahay sa mga bútas ng mga punongkahoy, sa gabi ay lumalapit sa ilaw, at malimit nasu-sunog, higit na tinatawag ngayong gamugamó