da•lí•pay : hiwang manipis at pagputol sa mga bungang biluhaba gaya ng bayabas, kamote, sibuyas, at iba pa
da•lí•say 1: pagdalísay 2: sa sinaunang lipunan, gintong puro, manipis, at may mataas na uri 3: uri ng ginto na su-munod sa uring-buo
da•lít 1: popular at katutubòng tula, may apat na taludtod bawat saknong, at may súkat na wawaluhin; anyo ng awiting-bayan 2: sa panahon ng Espanyol, awit pansimbahan at sa pagluluksa
dá•li•tâ 1: kasalatan sa yaman at iba pang pangangailangan sa búhay; sukdulang hirap 2: paghihirap ng kalooban; pagtitiis