da•dá•li : maliit at manipis na isda (Psettodes erumei), makipot ang bibig, mahabà ang nguso, at maliit ang huliháng palikpik sa ilalim
Daedalus (dé•da•lús) : arkitektong taga-Atenas na gumawâ ng laberinto para kay Minos; gumawâ rin ng mga pakpak para sa kaniyang sarili at sa kaniyang anak na si Icarus upang makatakas mula sa Crete
da•gà 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, ritwal ng pag-aalay na isinasagawâ bago dumaong ang bangkang sasalakay 2: lupà1 3: pagpupuyat
da•gâ : mapagngatngat na hayop (genus Rattus) na humahabà nang 25.38 sm, maikli ang nguso, at nakatirá sa lungga