dam•bóng 1: marahas at malakihang pagnanakaw, halimbawa’y sa ari-arian ng isang komunidad o bayan 2: hindi legal na pagkuha ng malaking yaman at ari-arian
dam•bu•ha•là 1: balyéna 2: halimaw ng dagat, lupa, at hangin na may pinagsámang anyo ng hayop at tao 3: tao, hayop, o bagay na napakalakí
dam•bú•san : barakuda (Sphyraena obtusata) na mahabà ang katawan, malakí ang ulo, at pahabâ ang nguso
dam•dám : persepsiyon sa lahat ng nangyayari sa loob at labas ng katawan ng tao, pati ang mekanismo o kasangkapan nitó
dam•dá•min 1: pandamá 2: palagáy1 3: anumang pakiramdam na sinasabing hindi bunga ng pag-iisip gaya ng pag-ibig, gálit, o lungkot; niloloob o anumang nagmula sa puso
dame (deym) 1: sinu-mang babae na may ranggo o awto-ridad 2: titulo ng madre sa ilang order 3: babaeng may edad na 4: babáe1
dá•mi : kabuuang bílang; angking katangian ng mga bagay na maaaring sukatin, gaya ng laki, saklaw, bigat, at bílang