dá•mot 1: asal o ugaling ayaw magbigay ng anuman sa kapuwa o ayaw mabawasan ang anumang taglay 2: karukhaan, pagdarahop
dam•pa•lít : damo (Borrichia arborescens) na gumagapang, karaniwang lumalago sa tubig, at ginagawâng atsara
dam•pî 1: dantay na marahan at magaang 2: pagtamang marahan, gaya ng simoy ng hangin sa balát 3: gamot na pantapal na medyo mainit, o kayâ’y dahon
dam•pím•ba•nál : damo na itinuturing na halámang gamot at itinatapal sa bahagi ng katawang may nalinsad na butó