da•mó 1: haláman (family Gramineae) na may mahahabà at makikitid na dahon, madalîng tumubò at dumami, at karaniwang mababà lámang 2: marihuwana
Da•mó•lag : anitong tagapangalaga ng pananim, gaya ng palay na maaaring sirain ng bagyo o anumang kalamidad
da•móng-bing•ká•lat : damo (Biophytum sensitivum) na tumataas nang 30 sm, mabulaklak, at dilaw ang talulot
dá•mong-li•gáw 1: karaniwang tawag sa halámang ilahas 2: damo na tumutubò matapos masunog o masakate ang taníman
da•móng-ma•ba•hò : yerba (Blumea lacera) na mabalahibo at mabulaklak, dilaw ang talulot, at nakukunan ng langis
da•móng-mar•yá : yerba (Artemisia vulgaris) na tuwid, madahon, mabulaklak, maliit ang bunga, at nakukunan ng langis