dam•pót-bá•o : larong pambatà sa Katagalugan, nakapalibot sa bílog ang mga manlalaro upang pag-agawan ang baong pinaiikot ng lider
dám•sel fish : maliit na isdang-alat (family Pomacentridae) may 124 species sa Filipinas, sapád at manipis ang katawan, makaliskis at sari-sari ang kulay
dam•tséng : pulutan na binubuo ng lamánloob ng kinatay na hayop, malasado ang luto, at isina-sawsaw sa sukàng may bawang at paminta
da•mu•hán 1: pook na maraming tumutubòng damo 2: lupang nababalot ng damong pinamamalaging maayos at laging bagong tabas 3: sa-katíhan