dá•tum : sa Benguet, ritwal sa pag-lilibing na nagsasakripisyo ng baboy bago isagawâ ang pag-aayos ng kuweba
da•tú•ra : damo (Datura alba) na magaspang ang sanga, putî, hugis embudo, at 15 sm ang habà ng bulaklak, at matinik at lungtian ang bunga
da•ú•ngan, da•u•ngán : pook sa tabí ng ilog o dagat na maaaring gamitin sa pagtigil o paghimpil ng sasakyang pantubig
da•us•dós 1: pag-kadulas sa pagkakahawak o sa pagkakalagay 2: pagdulas pababâ sa isang dahilig na pook
Davao (dá•vaw) 1: lungsod sa Davao del Sur 2: malakíng pook na sumasakop sa Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao Oriental ngayon