• Davao-Bukidnon Cordillera (dá•vaw-bu•kid•nón kor•dil•yé•ra)

    png | Heg
    :
    kolektibong tawag sa serye ng bulubundukin na tinatáyang 400 km ang habà mula Diwata Point sa hilaga hanggang Tinaca Point sa timog

  • Davao del Norte (dá•baw del nór•te)

    png | Heg
    :
    lalawigan sa timog Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XI

  • Davao del Sur (dá•baw del súr)

    png | Heg
    :
    lalawigan sa timog Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XI

  • Davao Oriental (dá•baw or•yen•tál)

    png | Heg
    :
    lalawigan sa timog Mindanao ng Filipinas, Rehiyon XI

  • David (da•víd, déy•vid)

    png | [ Esp Ing ]
    :
    sa Bibliya, hari ng Judah at Israel na pumatay kay Goliath at ang may-akda ng karamihan sa mga salmo

  • davit (déy•vit)

    png | Mek | [ Ing ]
    :
    pares ng crane na ginagamit sa pagba-babâ at pagtataas ng lifeboat

  • daw

    png | [ Bik Tag War ]
    :
    ayon sa sinabi o narinig; sabi ng iba

  • da•wà

    png
    1:
    [Hil Seb Tag War] damo (Panicum miliaceum) na tumutubò sa mainit na pook at mahina ang lupa, may bungang butil na karaniwang ginagawâng arina o binuburo upang maging alak
    2:
    [Kap] nakakaing butó
    3:
    [Iba] butil o piraso ng halámang butil
    4:
    [Mag] katotohánan
    5:
    [Ilk] lílik

  • da•wâ

    pnt | [ Bik ]

  • da•wâ

    png | [ ST ]
    :
    pagkuha ng isang bagay mula sa kuweba

  • dá•wa-dá•wa

    png
    :
    pinong hibla ng ginto o ang paraan ng paglikha ng ganito

  • dá•wag

    png
    1:
    baging (Toddalia asiatica) na matinik, lungti, at maliliit ang bulaklak
    3:
    pa-lumpong (Capparis horrida) na 3 m ang taas, matinik, at kulay rosas ang mga talulot ng bulaklak
    4:
    palumpong (Capparis micracantia) na 2-4 m ang taas, pulá at bilóg ang bunga
    5:
    baging (Mezoneurun latisiliquum) na karani-wang gumagapang sa matataas na punò, may bungang patulis ang magkabilâng dulo at may puláng bu-tó
    6:
    matinik na punongkahoy
    7:
    tinik ng uwáy
    8:
    tinik ng palasan
    9:
    pook na masukal

  • da•wá•gan

    png | Heo | [ dáwag+an ]
    :
    pook na makapal at matataas ang damo at baging

  • da•wák

    png
    1:
    [Kal] ritwal ng pagpa-pagalíng sa maysakít
    2:
    [Bon] pista ng kasal

  • dá•wak

    png | [ ST ]

  • da•wál

    pnr | [ ST ]
    :
    masamâ, pangit, hindi karapat-dapat

  • dá•wal

    png
    1:
    pagdudulot ng sugat na malakí ngunit hindi malalim
    2:
    pagiging imbî1

  • da•wá•ni

    png | [ Bik ]

  • dá•wat

    png
    1:
    [Bik] pag-abot o pagkuha sa pamamagitan ng mahabàng patpat dahil hindi maabot ng nakaunat na kamay
    2:
    [Bik] ulan na patigil-tigil
    3:
    [Ilk] hilíng1
    4:
    [Seb] tanggáp1

  • da•wáy

    pnd | [ ST ]
    :
    murahin; maliitin