da•yá 1: pag-awit ng tagumpay, dalá ang mga bilanggo o mga bagay na sinamsam sa panahon ng digmaan 2: kabutíhan
dá•ya•grám : krokis o drowing na kakikitahan ng mga bahagi ng isang bagay na ipinaliliwanag o ibig ipakíta
dá•yal 1: mukha ng orasan na may marka upang ipakíta ang oras 2: katulad ng sapád na plate na may eskalang pansukat ng timbang, volume, at iba pa 3: disk sa telepono, may mga bílang, at pinaiikot ng daliri upang makatawag 4: a disk sa telebisyon o radyo na ginagamit upang makapilì ng estasyon, habàng-álon, at iba pa b anumang katulad na gamit