de•i•dád 1: isang bathala lalo na sa isang poleteistang pananampalataya 2: kalagayan, katangian, o kalikasang pambathala
de•ís•mo 1: na may Diyos batay sa katwiran, hindi naniniwala sa rebelasyon, at nagtatakwil sa mga ritwal ng organisadong relihiyon 2: paniniwalang may Diyos na lumaláng ng lahat ngunit ang mga batas ng kalika-san ang umiiral at hindi ang kagustuhan ng Diyos
deja vu (déy•zha vu) 1: kuwento, pamamaraan, o teknik sa pelikula na hindi orihinal o matagal nang nakíta 2: ilus-yon na dati nang naranasan ang isang bagay na nararanasan pa lámang sa kauna-unahang pagkakataon
de Jesus, Jose Corazon (de he•sús ho•sé ko•ra•zón) : 1894-1932) itinuturing na pinakatanyag na makata nitóng ikadalawampung siglo, naging unang hari ng balagtasan, at may akda ng “Bayan ko.”
de-ka•hón 1: may sinusunod na balangkas; sadyang may pinagtularan 2: mahalaga at kinakailangang ilagay sa kahon 3: walang bago, gasgas na