dék•li•nas•yón 1: pababâng deklibe 2: pagbabâ ng katangian o kalagayan 3: a Gra pagbabago ng anyo ng salita sa bílang, kasarian, kaukulan, panahunan, at iba pa b uri ng mga salitâng may katulad na pagbabago ng anyo
de•kók•si•yón 1: pagkuha ng esensiya o lapot ng anu-mang substance sa pamamagitan ng pagpapakulo sa tubig 2: ang anu-mang nakuhang substance mula rito
de-kon•tról : tumutukoy sa mga kasangkapang maaaring umandar mula sa malayò sa pamamagitan ng signal na ihinahatid ng aparatong elektroniko
de•kór•ti•kas•yón 1: pag-aalis ng bumabálot na lamad ng isang organ o estruktura 2: operasyon na nag-aalis ng namuong dugo o pilat ng tissue dahil sa chest cavity
deks•trí•na : substance na tíla goma, maaaring matunaw, nabubuo mula sa pagpapakulo ng starch, at ginagamit bílang pandikit