Dela Cruz, Jose (de•lá kruz, ho•sé) : pangunahing makata sa Maynila noong ika-19 na siglo at itinuturing na awtor ng maraming popular na awit at korido; binansagang “Huseng Sisiw.”
de•le•gas•yón : pangkat ng mga delegadong pinilì upang katawanin ang isang pangkat sa isang kapulungan o pagtitipon
de•li•be•ras•yón 1: maingat na pagsasaalang-alang bago pagpasiyahan ang isang suliranin, gawain, at iba pa 2: pormal na pagsasanggunian o pag-uusap