den•tís•ta 1: mang-gagamot na dalubhasa sa kalusugan at pangangalaga ng ngipin at gilagid 2: propesyon o gawain ng dentista
denture (dén•tyur) 1: isang hanay ng mga ngipin 2: artipisyal na pampalit sa isa, ilan, o lahat ng natural na ngipin, lalo na yaong pampalit na hindi permanenteng nakakabit sa gilagid
de•nu•das•yón 1: pagiging hubad 2: paglalantad ng rabaw ng bató o pormasyon sa pamamagitan ng pagtanggal sa anumang nakatakip dito