deoxyribonucleic acid (dé•yok•si•ráy• bo•núk•leyk á•sid) : substance na nása halos lahat ng nabubúhay na organismo, nagdadalá ng impormasyong henetiko, at kumo-kontrol sa mga katangiang namamána
deoxyribose (di•yók•si•ráy•bows) : alinman sa mga carbohydrate na may pormulang C5H10O4, nakukuha mula sa ribose sa pama-magitan ng paghalili o pagpalit ng pangkat ng hydroxyl ng hydrogen atom
department store (de•párt•ment is•tór) : malakíng tindahan na may iba’t ibang kalakal na isinaayos sa iba’t ibang dibisyon para sa pagbibili at layuning administratibo
de•pek•si•yón : pag-talikod o pagtiwalag mula sa isang uri ng pamamahala, bansa, o anumang organisasyon
de•pén•sa 1: tanggól o pagtatanggól 2: pahalang na bakal o anumang nakalagay sa unahán o hulihán ng sasakyan, ginagamit na pansangga laban sa bunggo