e•pe•mé•ri•dés 1: talàan ng tinatáyang kalalagyan ng isang lawas pangkalawakan sa iba’t ibang petsa 2: kalendaryo o astronomikong almanake na naglalamán ng gayong mga talâ
epexegesis (e•pék•si•dyí•sis) 1: pagdaragdag ng mga salita upang linawin ang kahulugan 2: dagdag na mga salita
epicene (é•pi•sín) 1: tumutukoy sa alinmang kasarian 2: may mga katangian ng laláki at babae 3: walang katangian ng alinmang kasarian