• es•ké•ma

    1. 1:
      malakihan at sistematikong plano para maabót ang isang layunin
    2. 2:
      isang lihim na pakana o plano
    3. 3:
      sistematikong kombinasyon hal ng mga kulay
  • es•kí•la

    1. :
      maliit na kampana, ginagamit upang tumawag ng pulong sa isang relihiyosong komunidad
  • es•ki•lá•da

    1. :
      pagtugtog o kalembang ng kampana ng simbahan
  • Es•ki•mó

    1. :
      mga tao sa hilagang Canada, Greenland, at silangang Siberia
  • es•ki•ról

    1. :
      manggagawàng nagtatrabaho sa panahon ng welga; pumapalit sa welgista
  • es•kle•ró•sis

    1. 1:
      abnormal na paninigas ng himaymay
    2. 2:
      multiple sclerosis o talamak na karamdaman ng nervous system
    3. 3:
      paninigas ng cell wall
  • es•kó•ba

    1. 1:
      palumpong (phylum Porifera) na lumalago nang .5 m at nakukunan ng gamot sa rayuma at kagat ng kulisap
    2. 2:
      brotsa o sepilyong pangkuskos ng dumi
  • es•kó•bil•yá

    1. 1:
      maliit na eskoba
    2. 2:
      maliit na walis na kadalasang gamit panlinis sa kotse, kalan, at iba pa
    3. 3:
      eskoba ng dinamo
    4. 4:
      dilaw na damong ligaw (Sida acuta) na isang metro ang karaniwang habà
  • es•kó•da

    1. :
      martilyo na pumuputol ng bató
  • es•ko•las•ti•sís•mo

    1. 1:
      kilusang pilosopiko na umiral sa Europa mulang ikasiyam na dantaon hanggang sa pagdatíng ng Kartesyanismo noong ikapitóng dantaon at nakabatay sa mga aral ng mga amá ng simbahan at ni Aristotle at ng kaniyang mga komentarista
    2. 2:
      mahigpit na pagsunod sa tradisyonal na paniniwala at metodolohiya, lalo na sa pagsusuri ng mga suliraning pilosopiko, gaya ng pananampalataya at katwiran, kusa at kaisipan, at probabilidad ng eksistensiya ng Diyos