es•pá•da 1: sandatang pansaksak at pantagâ 2: isa sa mga set ng baraha na may ganitong ilustrasyon 3: isdâng espáda 4: halámang tubig na maugat
es•par•te•í•na : mapait at nakalalasong likidong alkaloyd C15H26N2 , at may sulfate na ginagamit na medisina bílang pampasigla ng puso at upang sapilitang kumilos ang uterus kapag nanganganak
es•pá•tu•lá : kasangkapang parang kutsilyo, manipis ang dulo, at karaniwang ginagamit sa paghahalò ng pintura o katulad