• es•pé•ke

    1. :
      panikwás na gawa sa kahoy na ang isang dulo ay bilog at ang kabila naman ay kuwadrado na ginagamit ng mga kanyonero
  • es•pek•ta•dór

    1. :
      tao na nanonood o nagmamasid ng isang pagtatanghal, palabas, o anumang panoorin
  • es•pek•tá•ku•ló

    1. 1:
      panoorin o palabas na engrande, kakaiba, o kahanga-hanga
    2. 2:
      anumang nakatatawag ng pansin
  • és•pe•ku•las•yón

    1. 1:
      palagáy1 o pagpapalagay
    2. 2:
      paraan ng pakikipagsapalaran, hal espekulasyon sa negosyo
  • es•pé•ku•ló

    1. 1:
      sa pagtistis, instrumentong ginagamit sa pagpapalakí ng anumang bútas sa katawan upang masuri
    2. 2:
      salamin, lalo na sa teleskopyo
  • es•pé•ra

    1. 1:
      solidong heometrikong pigura na bunga ng pag-ikot sa isang bilóg na lawas na ang lahat ng punto ay magkakasinlayò mula sa gitna
    2. 2:
      lawas pangkalawakan
    3. 3:
      globo na kumakatawan sa mundo
    4. 4:
      larang ng aksiyon, impluwensiya, o eksistensiya
  • Es•pe•rán•to

    1. :
      imbentong wika na nilikha noong 1887 hango sa wikang Romance at iba pang wika sa Europa
  • es•pér•ma

    1. :
      putîng kandila, karaniwang gawâ sa langis o tabâ ng balyena
  • es•pé•si•mén

    1. 1:
      indibidwal o bahagi na kinukuha bílang halimbawa ng uri o kabuuan, lalo na kung ginagamit sa pagsusuring pang agham
    2. 2:
      dugo, ihi, laway at iba pa na ipaiilalim sa pagsusuri