euritmiya (yu•rít•mí•ya) : armonya ng paggalaw ng katawan lalo na kapag tumutugon sa sistema ng pinaghalòng tugtog at sayaw
Euroland (yú•ro•lánd) : tawag sa samahán ng mga bansang Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Netherlands, Portugal, at Spain
Europa (yu•ró•pa) 1: kontinente sa hilagang bahagi ng daigdig 2: Kontinenteng Europa, hindi kabílang ang Britanya 3: European Community 4: prinsesa ng Phoenicia na dinukot ni Zeus 5: satellite II ng Jupiter at isa sa mga buwan na tinaguriang Galilean moon
European (yú•ru•pí•yan) 1: katutubò ng Europe; tao na naninirahan sa Europe 2: tao na putî 3: tao na interesado sa mga usapin tungkol sa Europe
European Community (yú•ru•pí•yan kom•yú•ni•tí) : organisasyon ng mga bansa sa Kanlurang Europa na naglalayong itaguyod ang kapakanang panlipunan at pang-ekonomiya nitó
eutanasya (yú•ta•nás•ya) : walang kirot na pagpatáy sa isang tao na may nagpapahirap at walang lunas na karamdaman; tiwasay at walang kirot na kamatayan
e-vat (í•vat) : pinalawak na value-added tax; sampung porsiyentong buwis sa negosyo na ipinapatong sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong binabayaran