• eukaryote (yu•ká•ri•ót)

    1. :
      organismo na binubuo ng cell o mga cell na may DNA na nása anyong chromosome at may naiibang nucleus
  • Eumenides (yu•mé•ni•dís)

    1. :
      ibang tawag sa mga Puryas
  • eunuko (yú•nu•ko)

    1. 1:
      tao na kinapon at naninilbihan sa isang harem o kaharian
    2. 2:
      tao na walang silbi
  • Euphrates (yo•frá•tez)

    1. :
      ilog sa timog-kanlurang Asia, na umaakyat sa mga bundok ng silangang Turkey at dumadaloy nang 2,736 km patawid ng Syria at Iraq upang sumanib sa Tigris
  • euphuism (yú•fyu•í•zem)

    1. :
      mabulaklak o madamdaming estilo ng pagsusulat o pagsasalita
  • euponiko (yu•pó•ni•kó)

    1. :
      hinggil sa tunog ng mga salita na kaiga-igaya sa pandinig
  • euponiya (yu•po•ní•ya)

    1. 1:
      kagandahan ng tunog, lalo na ng salita o mga salita
    2. 2:
      tunog na kaayaayang pakinggan
    3. 3:
      kakayahan na padaliin ang pagbigkas sa pamamagitan ng ilang pagbabagong ponetiko
  • euporya (yu•pór•ya)

    1. 1:
      pakiramdam ng kaligayahan, kapanatagan, at kagalingan
    2. 2:
      abnormal at labis na nararamdamang sayá, lakas, at sigla
  • Eureka! (yu•rí•ka)

    1. :
      Natuklasan ko na!
  • euritmiko (yu•rít•mi•kó)

    1. :
      hinggil sa mahusay na pagkakatugma, lalo na sa larangan ng arkitektura