Euclid (yú•klid) : Griyego na dalubhasa sa matematika at kilalá sa kaniyang akda tungkol sa mga element ng heometriya
eudemonism (yu•dí•mo•ní•zim) : sistema ng etika na nagbibigay ng diin sa isang obligasyong moral batay sa mga kilos na makapagdudulot ng kaligayahan
eudiometer (yu•di•ó•me•tér) : túbo na yarì sa salamin at ginagamit sa paghahalò at pagsúkat ng mga gas
euhenesya (yú•he•nés•ya) 1: agham ng pagpapabuti sa mga katangian ng sangkatauhan, lalo na sa maingat na pagpilì ng mga magulang 2: agham ng pagpapabuti sa mga anak o supling
eukalipto (yú•ka•líp•to) : punongkahoy (genus Eucalyptus) na namumulaklak, laginglungti ang mga dahon, at napagkukunan ng aromatikong langis
Eukaristiya (yú•ka•ris•ti•yá) 1: sakramentong Kristiyano bílang pag-alaala sa Hulíng Hapunan 2: óstiyá