Diksiyonaryo
A-Z
ABCDEFGHIJKLMNÑNgOPQRSTUVWXYZ

<< 76777879808182 >>
  • é•ti•mo•ló•hi•kó

    pnr | [ Esp etimológicó ]
    1. :
      ukol o may kaugnayan sa etimolohiya
  • e•ti•mo•lo•hí•ya

    png | [ Esp etimología ]
    1. :
      palaugátan
  • etiquette (é•ti•ket)

    png | [ Fre Ing ]
    1. :
      étikéta1-3
  • et•mo•í•des

    png | Ana | [ Esp ]
    1. :
      butó sa ilong na lagusan ng nerbiyong pang-amoy
  • ét•ni•kó

    pnr | [ Esp etnico ]
    1. 1:
      may kaugnayan sa pangkat panlipunan na may iisang tradisyong pangkultura
    2. 2:
      nagpapahayag ng impluwensiya ng isang pangkat etniko
    3. 3:
      katutubò1,2
    4. 4:
      pagáno
  • ét•ni•kó

    png | [ Esp etnico ]
    1. :
      tao na kasapi ng pangkat etniko
  • et•no•gra•pí•ya

    png | [ Esp etnografia ]
    1. 1:
      sangay ng antropolohiya o agham-tao na may kinaláman sa kultura ng mga liping nabibílang sa minoridad
    2. 2:
      siyentipikong paglalarawan ng iba’t ibang lipi at kultura
  • et•nól

    png | Bot Zoo | [ Pan ]
    1. :
      itlóg1
  • etnologist (et•nó•lo•dyíst)

    png | [ Ing ]
    1. :
      etnólogó
  • et•nó•lo•gó

    png | [ Esp ]
    1. :
      dalubhasa sa etnolohiya
  • et•no•ló•hi•kó

    pnr | [ Esp etnologico ]
    1. :
      hinggil sa etnolohiya
  • ét•no•lo•hí•ya

    png | [ Esp etnología ]
    1. :
      agham tungkol sa katangian ng pagkakahati-hati ng sangkatauhan, kabílang ang pinagmulan, pagkakaugnay, pananalita, institusyon, at iba pa
  • et•no•sén•tri•kó

    pnr | [ Esp etnocentrico ]
    1. :
      ukol sa pagbibigay ng halaga o pagtatása sa kultura ng isang lipi o pangkat etniko
  • é•to

    pnh
    1. :
      pinaikling heto
  • É•to

    png | Ant
    1. :
      isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo
  • et•sá•ke

    png
    1. :
      pagdadahilan
  • é•tsas

    png | Kol
    1. :
      táe
  • et•sé•te•rá

    pnb | [ Lat et cetera ]
    1. :
      at iba pa
  • ét•so de•rét•so

    pnr | [ Esp echo derecho ]
    1. :
      mula umpisa hanggang matapos
  • etude (éy•tyud)

    png | Mus | [ Fre ]
    1. :
      maikling komposisyong pangmusika, karaniwang para sa isang instrumento lámang
<< 76777879808182 >>