feline (fí•layn) 1: kasáma o hinggil sa family Felidae, bukod sa domestikadong pusa, kasáma ang leon, leopardo, tigre, at iba pa 2: tíla pusa; may katangian ng mga hayop ng family ng pusa
fellowship (fé•low•syip) 1: pagsasamahan para magtulungan o magdamayan 2: tungkulin o halaga ng salapi na ipinagkakaloob sa gradwadong estudyante upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral o pananaliksik
felony (fé•lo•ní) : krimen o anumang mabigat na pagkakasála na may parusang kamatayan o matagal na pagkabilanggo
fé•mi•nís•mo : doktrina na nagtataguyod ng pantay na mga karapatan ng kababaihan at kalalakíhan sa larangang panlipunan, pangkabuhayan, at pampolitika
fence (fens) 1: bákod1 2: a tao na bumibilí at nagtitinda ng nakaw na kalakal b tindahan ng nakaw o puslit na kalakal
fencing (fén•sing) 1: paraan ng bákod1 o paglalagay ng bákod1 2: materyales na pambakod 3: eskrima 4: pagbilí o pagtitinda ng nakaw na kalakal