feng shui (fung sóy) : sistema ng heomansiya na ginagamit sa China upang tiyakin kung ang isang gawain o bagay ay umayon sa likás na puwersa
fenix (fé•niks) : mitikong ibon, na napakaganda at nag-iisa sa uri nitó, sinasabing nabubúhay nang 500-600 taon at sinusunog ang sarili upang muling mabúhay
fermium (fér•mi•yúm) : radyoaktibong element na gawâ ng tao, nalilikha sa pamamagitan ng pagbomba ng neutron sa isang element na higit na magaan, (atomic number 100, symbol Fm)
ferric oxide (fér•ik ók•sayd) : matingkad na puláng compound (Fe2O1) ng iron at oxygen, karaniwang ginagamit sa paggawâ ng pangkulay
ferry (fé•ri) 1: paghahatid ng mga tao o bagay sa kabilâng pampang sa pamamagitan ng sasakyang pantubig 2: sasakyang ginagamit dito 3: daungán sa magkabilâng dulo ng ruta nitó
fer•tíl 1: mabunga o maraming bunga 2: matabâ, hal lupa 3: maaaring magkaanak 4: palaanak o mabilis o madalas manganak