Federal Bureau of Investigation (fé•de•rál byú•row ov in•vés•ti•géy•syon) : ahensiya ng federal na pamahalaan ng Estados Unidos na namamahala sa seguridad ng bansa at nagsasagawâ ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng batas
fé•de•ra•lís•mo : sistema ng pamamahala na pinagsasanib ang magkakahiwalay ngunit nakapagsasariling estado o distrito
fé•de•ras•yón 1: kalipunan ng mga kapisanan o samahán 2: kalipunan ng mga pederal na estado 3: pangkalahatang pangkat ng mga bakla
feedback (fíd•bak) 1: pag-ugong ng amplifier, mikropono, o anumang mákináng awtomatiko sanhi ng lakas ng pagpapatunog o ng elektrisidad 2: puna o opinyon tungkol sa sinabi, isinulat, o ginawâ ng isang tao o pangkat
feel (fil) 1: suriin o hanapin sa pamamagitan ng paghipo 2: damhin o alamin sa pamamagitan ng paghipo; maramdamam 3: danasin
feeler (fí•ler) 1: organ sa ilang hayop para sa pagsubok sa isang bagay sa pamamagitan ng paghipo o para sa paghahanap ng makakain 2: pansamantalang mungkahi o suhestiyon, lalo na upang humingi ng sagot 3: tao o bagay na nakararamdam
félds•par : anuman sa mga pangkat ng mga mineral, pangunahin ang potassium, sodium, at calcium, isa sa napakahalagang bahagi ng batóng igneous