fér•ti•li•sas•yón 1: proseso ng pagkakaloob ng kakayahang manganak o mamunga 2: ang pagpapatabâ sa lupa 3: a pagsasáma ng gametic nuclei ng laláki at ng babae b pagbubuntis ng hayop o pamumunga ng haláman
fés•ti•vál 1: pistá1 2: sáma-sámang serye ng konsiyerto, dulâ, at katulad, na regular na idinadaos sa isang pook
festschrift (fést•shrift) : koleksiyon ng mga akda na inililimbag bílang parangal sa isang iskolar o pantas
fé•tish 1: bagay na walang-búhay at nakapupukaw ng hindi normal na pagnanasàng seksuwal 2: bagay na labis na kinahahalingan 3: antíng-antíng
feud (fyud) 1: pinagkaugatang alitan ng dalawang pamilya, tribu, o angkan 2: matagal na away ng mga tao o pangkat
feuilleton (fo•yí•ton) : bahagi ng diyaryo na nakalaan sa magaang basahin na panitikan, katha, at kritisismo