forensic (fo•rén•sik) 1: hinggil sa o may kaugnayan sa pagsisiyasat ng krimen sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan 2: hinggil sa o may kaugnayan sa mga hukuman
forerunner (for•rá•ner) 1: tagapagbalita na naunang ipinadalá 2: babalâ o palatandaan sa mangyayari 3: ang nauna, sinundan, o hinalinhan
forfeit (fór•fit) 1: multa sa paglabag sa kasunduan o pagpapabaya 2: anumang isinuko bílang multa 3: pag-aari o karapatang nawala bílang legál na parusa o multa
forge (fordz) 1: manghuwad ng pirma o dokumento para kumita 2: humubog, lalo na ng metál, sa pamamagitan ng pagpapainit at pagpanday