foot pound (fút pawnd) : yunit ng enerhiya, katumbas ng dami ng enerhiyang kailangan upang itaas ang bigat ng isang libra bawat layò ng isang talampakan
for- : pambuo ng pandiwa at ng deribatibo nitó, nangangahulugang a ilayô; iwalay, hal forget, forgive b ipagbawal, hal forbid c pabayaan, hal forgo, forsake d labis o tindî, hal forlorn
for•bíd 1: bawalan o ipagbawal 2: tanggihang ipahintulot ang isang bagay o ang isang tao na magkaroon ng isang bagay 3: sawayin o sumaway 4: pumigil o pigilan
force majeure (fors ma•zhúr) 1: hindi mapaglabanang pamimilit o pamumuwersa 2: hindi inaasahang pangyayari na dahilan o sanhi ng hindi pagtupad sa kasunduan o kontrata
forceps (fór•seps) 1: kasangkapang pansipit na ginagamit sa pag-oopera 2: organ o estruktura na kahawig ng forceps